Manila
Ang "Idolo" ng mga rebolusyonaryo - Si Gat. Jose Rizal, na pambansang bayani. Kababasa ko lang na kahit daw si Mahatma Gandhi ng India ay kinilala ang kabayanihan ni Rizal. Itinuturing na "Pride of the Malay Race", si Rizal na isang Tagalog ay tiningala maging ng Supremo Bonifacio. Sa katunayan ang "password" ng pinakamataaas na antas ng Katipunan ay ang pangalan niya. Sabi rin na siya yata ang taung napag-ukulan ng pinaka-maraming kasulatan hinggil sa kasaysayan at pulitika ng Asya... Ang maibabahagi ko lang ay ang na-scan kong mga larawan mula sa aklat ni Austin Coates Rizal: Philippine Nationalilst & Martyr.
Mga larawan mula sa aklat na
Austin Coates
Rizal: Philippine Nationalist & Martyr
HongKong, Kuala Lumpur, London & NY
Oxford University Press, 1968
Ang pinaka-sikat/klasikong larawan ni Rizal
Nang una kong makita ang pabalat ng Noli Me Tangere, magkahalong bilib ("believe?!/awe), pagtataka, at pagkamangha ang aking naramdaman... Napaka-mistikal ang dating nito para sa akin! Punong-puno ito ng kahulugan... Isang mainam na paksang pag-aralan sa Semiotics o Symbology... Ang nakapag-papaisip ay kung bakit balbon ang paa ng magandang dilag! "Malalim" talaga sa Rizal...
Bahagi ng Mi Ultimo Adios
Noong undergrad pa aku ay memoryado ko ang tulang ito... Kumuha kasi aku ng 12 units sa wikang ito. Requirement pa noon eh. Hindi talaga tayo nakapag-iisip sa wikang Kastila (Ewan ko ang Lolo ko sa ama dahil nagsasalita talaga siya ng Espanol... Pero (Nguni't!) matindi raw talaga ang tulang ito ni Rizal kung "dadamahin" sa wikang Espanol! TIngnang mabuti. Sabi sa tula: "Voy donde no hay esclavos(?) verdugos... Pupunta daw siya kung saan walang mga berdugo! at "Donde la fe no mata" - Kung saan ang fe faith(?) o relihiyon/pananampalataya ay hindi pumapatay!!! Hebigat! Ang pagtatanong niya ay mismong nasa antas na ng relihiyon.... Isa siyang tunay na pilosoper... "Small wonder' sabi daw ni Ferdinand Blumentritt na si Rizal ay katulad ng isang maliwanag na kometa na minsan lang sa isa o maraming siglo lumalabas! At itinuturing siyang Kristo natin!!!