MANILA
MGA KARAGDAGANG LARAWAN
INUULIT KO, "UNDER CONSTRUCTION" PA ITONG BLOG
NGUNI'T MAARI NANG TINGNAN/SILIPIN

KALAYAAN
ANG PAHAYAGAN NG HIMAGSIKAN/REBOLUSYON NA NAGKAROON LAMANG NG IISANG ISYU... MEDIA PARA SA ISANG "DAKILANG LAYUNIN"... ANG HINDI KO ALAM AY KUNG ANU-ANO ANG MGA PAHAYAGAN O LATHALAIN NOON NA MAAARING BASAHIN NG MGA NATIBO/KATUTUBO

JULIAN FELIPE - KOMPOSITOR NG HIMIG NG PAMBANSANG AWIT
LUPANG HINIRANG? MAS NAUNA ANG "LAND OF THE MORNING..." KAYSA BAYANG MAGILIW...! 1946-1950's LANG YATA NAGING TAGALOG ANG AWITING ITO!
EDILBERTO EVANGELISTA
ANG ISA SA MGA MATAAS ANG NATAPOS/NAPAG-ARALAN NA PINUNO NG HIMAGSIKAN/REBOLUSYON... NAGLINGKOD SIYA SA PANGKAT NI AGUINALDO AT NAMATAY NA BAYANI SA DIGMAAN... NAGING KA-ESKUWELA KO ANG DI-UMANO'Y INAPO NIYA (KAHAWIG NGA NIYA EH!)

GREGORIO AGLIPAY AT ISABELO DE LOS REYES
MAY MALALIM NA PANG-RELIHIYOSONG DAHILAN ANG REBOLUSYON... NAGTATAG NA NGA NG "SARILING PANANAMPALATAYA" ANG MGA ILOKANO... ITO AY ANG SIMBAHANG AGLIPAYAN... MALIWANAG NA ITINURING NG MGA REBOLUSYONARYO ANG SIMBAHANG KATOLIKO NA KALABAN NG MGA KATUTUBO...

APOLINARIO MABINI
AYAW SIYANG TANGGAPIN SA LIBINGAN NG KATOLIKO KAYA'T NAUNA SIYANG INILAGAY SA LIBINGAN NG MGA INTSIK SA LA LOMA?! NAILIBING DIN YATA SIYA SA PASAY SA MGA "VETERANOS..." PATAY NA NO PERMANENT ADDRESS PA RIN! HINDI KO ALAM KUNG TUTOONG SUMUMPA SIYA SA MGA AMERIKANO BAGO NAMATAY...
SABI NILA ANG PINAKAHULING SUMUKO NA HENERAL NG REBOLUSYON AY SI HENERAL MALVAR. SUBALI'T MAS MATINDI SI HENERAL ARTEMIO RICARTE. HINDI SIYA SUMUKO AT HINDI RIN (YATA) KINILALA ANG ESTADOS UNIDOS ("NEVER SWORE ALLEGIANCE TO THE U.S.A."!) UMUWI SIYA SA KANYANG INANG BAYAN NOONG 1940'S BILANG ISANG OPISYAL NG MILITAR NG HAPONES... AT NAMATAY SA GIYERA(?) SI RICARTE ANG TALAGANG ASTIG!
OP KORS, SI SAKAY ANG PINAG-MULAN NG "SAKAYSAYANS"...

PARA QUE ANG KASAYSAYAN?... SAKYAN MO NA LANG NG SAKYAN, BASTA KIKITA KA... ANO'NG MASAMA DITO?... (WALA SILANG PAKIALAM SA KASAYSAYAN... ANG MAHALAGA EH MAY KITA, ATIK, DATUNG, BREAD, PERA, SALAPI, MONEY...) IBIG SASBIHIN KUNG WALANG PERA EH WALANG KASAYSAYAN???
No comments:
Post a Comment