Sinasabi dito na ang bahay na kung saan binuo ang unang tatsulok na lihim na cell ng KATIPUNAN (Andres Bonifacio. Ladislao Diwa at Teodoro Plata) ay nasa Calle Azcarraga (C.M.Recto ngayon). Subali't tila nabasa ko noon na nasa Kalyeng Elcano daw ito. Alin ang tama o tutoo? Siguro nasa mismong kanto ng dalawang kalye dahil doon mayroong historical marker ang NHI. Babala: Ang lugar ay nasa Divisoria kung saan napakaraming mga tau, tindahan at mga mag-lalako sa bangketa. Malapit ito sa pook kung saan na-agaw sa akin ang Nokia 6630 cellphone (na mula pa sa Saudi at pahiram lang sa akin ng aking kapatid) ng mga tinaguriang "Laglag-Tuwalya Gang". Ang hinala ko ay mga bataan sila ng isang paksyon ng mga pulis. Saan ka nakatala na ang magnanakaw ngayon ay mismong mga pulis na! Kung nag-aakala ang isang interesado sa SAKYSAYANS na matatagpuan pa niya ang lumang bahay eh ang masasabi ko lang eh: Forget It! Ta-pun ka na lang sa 168 o Divisoria Mall at magpalamig o kumain...

ANG REBULTO NI BONIFACIO SA MONUMENTO, KALOOKAN
Sa aking palagay, itong nililok ni Guillermo Tolentino ang pinaka-maganda, pinaka-mainam/makatotohanan at artistiko sa mga nilikhang historical markers upang gunitain ang 1896 Himagsikan o Rebolusyon. Natatandaan ko noong bata pa aku, ito ang unang nakikita kong palatandaan kapag pumapasok na sa Manila mula sa hilaga/norte. Ang daan pa noon ay ang Highway 54 o Macarthur Highway at wala pang North Expressway/Tollway.
No comments:
Post a Comment